Tinapay Ng Buhay (Huling Hapunan)

By: Micah Joy Epistola


Lyrics


Ito ang tinapay ng buhay
Kanin mo't makibahagi
Ito ang tinapay ng buhay
Kanin mo't makiisa

Iyan ang katawang ibinayubay
Upang ikaw ay mabuhay
Iyan ang katawang naghirap
Upang iyong kamtan
Ang buhay na walang hanggan

Ito ang saro ng bagong tipan
Inumin mo't makibahagi
Ito ang saro ng bagong tipan
Inumin mo't makiisa

Iyan ang dugong dumanak
Upang ikaw ay luminis
Iyan ang dugo ni Kristo
Na para sa iyo
Doon sa kalbaryo ay tumigis

Ito ang tinapay ng buhay
Kanin mo't makibahagi
Ito ang tinapay ng buhay
Kanin mo't makiisa

Iyan ang katawang ibinayubay
Upang ikaw ay mabuhay
Iyan ang katawang naghirap
Upang iyong kamtan
Ang buhay na walang hanggan

Ito ang tinapay ng buhay
Ito ang saro ng bagong tipan
Iyan ang katawang nabayubay
Iyan ang dugong itinigis

Ito ang aking patunay
Ako'y kasama Niyang namatay
Ito ang aking ipahahayag
Na magbabalik si Hesus na buhay

Iyan ang katawang ibinayubay
Upang ikaw ay mabuhay
Iyan ang katawang naghirap
Upang iyong kamtan
Ang buhay na walang hanggan
Upang iyong kamtan
Ang buhay na walang hanggan



If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.

Thank you for walking this journey of faith with us!