Pagbabalik

By: Victory Worship


Lyrics


Ngayon ay aahon
At kakalimutan ang nakaraan
Dilim ng kahapon
Isasantabi na at wawakasan

'Pagka't ang liwanag ng pag-ibig Mo
Ay ilaw, gabay sa pagbabalik ko

Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng
Lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng
Kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak
Magbabalik sa 'yo, Ama

Ipagdiriwang at ihahayag ang kalayaan
'Di papaalipin
'Di na muling magpapabihag

At sa bawat sulok ng buong mundo
Ihahayag tanging Pangalan Mo

Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng
Lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng
Kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak
Magbabalik sa 'yo, Ama

Ama, walang katulad
Ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus, Ikaw ang daan
Tanging katotohanan at buhay

Ama, walang katulad
Ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus, Ikaw ang daan
Tanging katotohanan at buhay

Ama, walang katulad
Ang pangako at pag-ibig na alay
Hesus, Ikaw ang daan
Tanging katotohanan at buhay
Lahat ay magagalak

Aawitin ang Iyong katapatan at kadakilaan
Sasayaw sa saliw ng
Lawak ng Iyong pagmamahal
Lulundag sa lalim ng
Kabutihan ng Iyong hangarin
O ang lahat ng Iyong mga anak
Magbabalik sa 'Yo, Ama

Magbabalik sa 'Yo, Ama
Magbabalik sa 'Yo, Ama
Magbabalik sa 'Yo, Ama
Magbabalik sa 'Yo, Ama



If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.

Thank you for walking this journey of faith with us!