Lilim

By: The Asidors


Lyrics


Panginoon, ang nais ko
Kagandahan Mo ay pagmasdan
Ang pag-ibig Mo, sa 'ki'y tugon
Kailanma'y 'di pababayaan
Sa 'Yo lamang matatagpuan
Sa 'Yo lamang

Mananatili sa Iyong lilim
Sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim

Panginoon, ang ngalan Mo
Ay kalinga at sandigan ko
Di magbabago, pangako Mo
Salita Mo'y panghahawakan
Sa 'Yo lamang matatagpuan
Sa 'Yo lamang

Mananatili sa Iyong lilim
Sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim

Mananatili sa Iyong lilim
Sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim

Ang papuri ko ay tanging sa 'Yo
Sa 'Yo lamang inialay
O Panginoon ang puso ko'y
Sa 'Yo magpakailanman

Ang pagpuri ko tanging sa 'Yo
Sa 'Yo lamang inialay
Panginoon ang puso ko
Sa 'Yo magpakailanman

Ang pagpuri ko tanging sa 'Yo
Sa 'Yo lamang inialay
Panginoon ang puso ko
Sa 'Yo magpakailanman

Mananatili sa Iyong lilim
At Sasambahin Ka sa dakong lihim
Mananatili sa Iyong lilim
Nang masumpungan Ka sa dakong lihim



If KristianoNi.com has been a blessing to you and you feel led to support our mission of fostering unity among Christians, we invite you to contribute. Your generosity allows us to continue sharing the love of Christ, His teachings, and the Word of God. Every gift helps sustain this community, and we are deeply grateful for your support.

Thank you for walking this journey of faith with us!